Pinoy Jazz Vocalist nanalo sa London
Si Ramon 'Mon' David, na kumakatawan sa bansang Pilipinas, ang tinanghal na Vocalist of the Year sa London International
Jazz Competition for Vocalists na ginanap sa prestihiyosong Cadogan Hall sa Sloane Square, London SW1 nitong gabi nang 22
Marso 2006.
Napanalunan niya ito sa kabila ng matinding kompetisyon mula sa Australia, Germany at Amerika.
Nagsimula ang kompetisyon noong Nobyembre 2005 at mahigit 100 mga mang-aawit mula sa 27 bansa ang lumahok. Matindi
ang naging unang selection ng semi-finalists dahil hinusgahan sila ng batikang mga British judges sa kanilang interpretasyon
ng mga jazz standards, classics o kaya'y mga sariling orihinal na komposisyon.
Si Mon ang isa sa mga napiling 12 semifinalists na nagpaligsahan nitong 18 Marso sa The Vortex Jazz Club sa London din
para sa karangalang maging isa sa anim na mga finalists.
Sa semi-finals, pinahanga niya ang mga judges at audience sa kanyang rendisyon ng jazz standards na ‘No More Blues’
nina Jobim at Hendricks, ‘Skylark’ ni Hoagy Carmichael, at ‘Waltz for Debby’ nina Evans at Lees.
Nagwagi si Mon bilang Vocalist of the Year sa husay ng kanyang makapanindig-balahibong rendisyon ng tatlong jazz classics:
'Nature Boy' ni Ahbez, 'My One and Only Love' nina Wood at Mellin, at 'Lullaby of Birdland' nina Weiss at Shearing.
Umaatikabo ang palakpakan ng mga manonood na karamihan ay British sa bawat pag-awit ni Mon dahil sa galing at iba't ibang
timpla, tempo at tunog ng versatile niyang boses.
Todo ang suporta sa kanya ng Filipino community sa London sa pamumuno ni Ambassador at Mrs Edgardo Espiritu, Consul General
& Mrs Mario de Leon at ng ilan niyang mga kababatang Kapampangan na taga-London at Espanya.
Nandoon din ang isa pang award-winning jazz singer na si Mishka Adams at ang mga direktor ng Candid Records UK na sina
Alan at Nieves Bates.
Si Mon ay kilala sa Pilipinas bilang isa sa pinakamagaling na male jazz vocal stylist at unang naglabas ng album noong
1991. Nitong nakaraang taon ay pumirma siya ng kontrata sa Candid Records Philippines upang maglabas ng album sa ilalim
ng Isla Records label.
Bilang kampeon si Mon ay tumanggap ng award na LIJC Jazz Vocalist 2006, £1,000 cash prize, at mga singing engagements
sa Ingglatera.
Bagama't halos hindi siya makahinga sa pagkamangha sa panalo, nagawa pa rin niyang magpasalamat at bigyang importansiya
ang mga nakalaban:
[SOT Mon with wife Ann, holding crystal trophy + certificate: "Like I said a while ago I cannot find the words
to describe the feeling. Its just magical to be able to bond with these fantastic musicians from different parts of
the world. I learnt a lot from them. I was inspired by their artistry. It was fund. It was a lot of fun."]
Bumati rin sa kanyang tagumpay ang isa pang kampeon ng jazz na si Mishka Adams, kung saang bahay nakikituloy ang
mag-asawang David:
[SOT Mishka Adams: "Congrats to Mon David and it's a great chance for Filipino music to be heard out there
in other countries, so congrats."]
Ang pagpunta ni Mon sa London, kasama ng mahal na asawang si Ann, ay ini-sponsor ng British Council Philippines.
PARA SA BALITANG EUROPE, GENE ALCANTARA, LONDON
Shotlist:
1. Sloane Square, Cadogan Hall building, posters
2. Kapampangans from Spain & London who were Mon's
childhood classmates arrive
3. Pinoys going into hall
4. empty hall, instruments on stage; people trickling
in and taking their seats
5. First 3 finalists perform with brief shots of them singing: Dan Barnett
(Australian), Alison Wedding (American) and Torsten Goods (German)
6. Break - shots of and chats w Pinoys; people
around bar area
7. Mon David singing his 3 numbers (shots in full)
8. 2 further finalists appear on stage
- Karlie Bruce (Australian) and Heidi Martin (American). (This last shot v brief as I had to rewind tape to get footage
of celebration!)
9. Jazz vocalist & comedian Earl Okin entertains audience with his guitar while waiting for
judges' verdict
10. Emcee Alan Barnes calls semi-finalists and finalists onto stage to his left, hugging and sitting
in a row; then calls judges to his right
11. Emcee announces Mon David as Vocalist of the Year
12. Mon,
breathless, giving his acceptance speech and thanking everybody
13. Emcee announces additional prize, Gibson-May
Award, to Alison Wedding
14. Mon shaking everybody's hands
15. Mon posts with semi- and finalists
16.
Mon poses with Amb Espiritu, Mishka Adams and other Filipinos; group picture
17. Mon with wife Ann, holding crystal
trophy + certificate: